Sunday, November 1, 2015

Season 2, Episode 1: "Business As Usual"

Some names and details have been changed to protect the identity of the people involved. 

Prologue: 

"I think I gave you the wrong idea, sir," sabi ko sa kanya. Pero nakangiti. Hindi naman ako ganon ka-suplado, tsaka sino ako para mag-inarte sa indecent proposal? I used to get them all the time. Fuck. I used to live on indecent proposals. 

"Ah ganon ba?" he said, trying to save face. "Baka may kilala kang 'pwede'." 

I. Three Years Ago

Napansin ko na lang na hindi na sumasagot si Adelle. Hindi naman kami super close para magdaldalan sa text. Pero usually, every other day tatanungin niya schedule ko, kung game ako, kung pwede ba ako mag-entertain ng client. 

"Hanap ka nung suki mo," itetext nya. 

"Ayoko dun. Mabaho paa," irereply ko. O kaya: "Pagod ako. Bigay mo na lang muna sa iba." 

Pero mas madalas, basta si Madam Adelle, sigurado naman akong OK yung client. Businessman in town to close a deal. VP ng multi-national company. Road manager ng isang international pop star. Humanitarian. High ranking staff ng visiting statesman. Ordinaryong empleyado na nag-iingat para hindi mahuli ng asawa. Si Adelle ang tumatayong agency ng mga projects, kami ang mga agents niya. 

Sobrang professional ni Madam, nag-e-e-mail pa siya sa akin ng statement of accounts para sigurado kong pumasok sa bank account ko lahat ng binayad sa kanya ng mga clients, minus her cut. Excel format, nakalagay lang dates and time, walang pangalan nung clients. Kapag more than one clients in one day, she indicates yung time period. 

Yung ibang charges, sa client niya bini-bill. Hindi niya binabawasan yung bayad sa akin. Malinis na akin yun (minus her fee, shempre). Halimbawa, umorder kami ng room service ng client, eh under sa services ni Madam Adelle yung kwarto, she'll charge it sa client. 

"Concierge service" ang code sa services ni Adelle. Technically, kung gusto nyo talagang malaman, "Talent Management" ang registered business ni Adelle, and under her OR yung 'concierge services'. For tax purposes, may mga malinis na projects naman talaga ang Talent Agency ni Madam. Mga fashion shows sa malls, mga models para sa brochures ng banko, mga 'happy Filipino family' sa mga AVP na pinapalabas sa mga corporate events. Minsan nakakatalisod siya ng big project, halimbawa, commercials sa TV or minor roles sa mga pelikula. Pero ma-ingat si Adelle na hindi iharap sa mainstream yung mga alaga niya na pinapagamit sa kama. Depende, actually, kung sasabihin nung bata na "Ma'am, ayos lang, kaya ko harapin ang intriga kung may makilala sa akin". 

Tulad ni "Jonas" na pinasok niya sa isang reality TV show. For a while, pinag-usapan din yung chismis na nagpapabooking siya (totoo), pero after naman nung show wala na may pakialam. Lahat naman tayo nagpuputa, di ba? Masarap lang talagang pag-usapan na yung mga akala mo ang lilinis ng buhay eh nagpuputa din pala, tulad natin. 

Isang linggo. Dalawang linggo. Sa ikatlong linggo, natext ako kay Adelle. Hindi pa naman ako tag-gutom non, pero kinakamusta ko lang kung bakit matumal ang kalakal. Iniisip ko, may sinabi bang di maganda yung mga clients tungkol sa akin? O kaya, bakit walang pumipili sa aking clients? 

Hindi siya nagreply. Tinawagan ko. Nag-ring lang ng matagal. 

Baka busy. So pinalagpas ko. Kaya ko naman rumaket ng sa akin. Yun lang, mas mababa ang bentahan ng karne kapag freelance. Ang laki ng difference. Tipong 10% lang of what Adelle gives me ang nachacharge ko sa mga clients na napupulot lang sa bar or sa apps. Si Adelle kasi nabebenta niya ng maayos, sinasabi niya na regular ang health check ups namin, kesyo straight kami atsaka galing sa mayamang pamilya. Magaling magbasa ng tao si Adelle kaya alam niya kung anong kiliti ng clients ang kakantiin niya para makasingil ng malaki. 

"Ang sabi ko law school student ka ha," one time sabi niya habang pinagdadrive ako papunta sa Marriot kung saan naka-check in ang client. "Gusto daw niya kasi yung matalino, eh ikaw lang naman may utak sa inyo eh." 

'Sa inyo' means kaming mga talents niya. 

"Hahaha, pucha ano to? Job interview?" sabi ko. 

"Wag maarte," sabi niya. "Bola-bolahin mo lang. Kapag nagipit ka, sabihin mo 1st year ka pa lang sa law. Hahaha. Gusto nga daw niya kasi yung makakausap ng may sense. Baka naghahanap lang ng challenging kausap tong si Palma. English-english eh!" Nagtawanan kam. "Kausapin mo about politics, ganyan. Aktibista ka naman di ba? Or sa psychology. Or history. Ikaw na bahala." 

Nagustuhan ako ni Palma. Or rather, visiting professor Palma. Big words siya mag-English, kalahati sa terms niya hindi ko naintindihan. Pero natuwa naman siya na may alam ako about Ancient Greek culture, tsaka some psychological terms, tsaka nabasa ko yung readings about Imagined States. I remember him kasi siya yung nag-insist sa akin na 'morality' is just a social construct, like languages, and our sense of morality is directly correlated to our language. 

May asawa si professor Palma, pero three years na silang nakatira sa Japan. Bumibisita lang siya uli sa Pilipinas para sa mga conferences, research grants, ganun. Discounted ang room niya sa Marriot kasi may pinsan sa hotel yung co-faculty niya or something. Mahilig siya mangyakap at manipsip ng utong, at magpakantot. Natutuwa siya sa akin kasi matalino ako. 

Tatlong linggo. Isang buwan. Isang buwan at isang linggo. Sobrang hindi normal na hindi nagpaparamdam si Adelle. Binabalikan ko mga nakaraang usapan namin, iniisip ko kung naoffend ko siya. Nakasalubong ko si "Martin" sa may Shangri-La, kinamusta ko si Adelle--meaning, pucha ano pinaparaket ka ba niya at ginigipit niya ako?

"Ha? Ayos naman," sagot ni Martin. 

"Ako, medyo matagal nang matumal eh. Hahaha."

"Sige pare, una na ako," sabi ni Martin. Mukhang umiiwas. 

Tangina, naisip ko. Mukhang pinuputol ako ni Adelle ah. 

Dahil ayaw sumagot ng text at tawag ni Adelle, inisip ko siyang puntahan sa agency niya. Labas pasok naman mga tao sa agency niya, mga models at mga nagmomodel-modelan. Ilang araw pagkatapos ng pagkikita namin ni Martin tsaka pa lang ako nagkaroon ng time na dumaan. 

Binati ako ni Sandra, yung receptionist niya. Parang wala namang nangyari, chikahan kami. Sabi ko naghahanap ako ng raket, baka meron. Sabi niya kailangan ng models para magbenta ng cellphone sa Star Mall, pero 2 lalake lang kailangan niya, the rest babae. Mga rakets usually pambabae, para sumuyod sa mga bar nagbebenta ng yosi or ng beer or ng vodka na bago. 

"Asan si Madam?" sabi ko. 

Pinapasok ako ni Sandra. Hinatid niya ako sa office ni Madam sa loob ng agency. 

"Knock, knock!" sabi ko ng nakangiti. 

Halata ang gulat sa mukha ni Adelle. 

"Nagpalit ka ba ng number?" pabirong tanong ko. "Di ka nagrereply, madam." 

"Anong ginagawa mo dito? May sumusunod ba sayo?" 

"Ha? Sumusunod? Bakit naman ako susundan?" 

"Karlo, umalis ka na," sabi niya. Bihira niya ako tawagin sa tunay kong pangalan. "Tatawagan kita kapag meron." 

"Ayos ah. Pinapalayas mo na ako ah. Bakit, laos na ba ako? Hindi mo na ba ako mapagkakitaan?"

She shuffled some paperworks on her desk. She looked nervous. Huminga siya ng malalim. "Magkakape lang ako sa labas," she said with a wry smile. 

Natigilan ako. It's our code for "I got your back." Minsan, kapag may client na suspicious, Adelle had to stay around to make sure her kids are safe. Halimbawa, may request ang client na 'open to BDSM' yung talent, Adelle will reassure yung talent na she's around, nagkakape lang siya sa labas--pero ang totoo, may kausap na siyang pulis o bouncer na naka-standby just in case magkagulo. 

Never niya ako sinabihan ng ganun kasi alam ni Adelle na kaya ko ang sarili ko. Kahit na mukhang doble ng kaha ko yung client, o mukhang di mapagkakatiwalaan. Alam ni Adelle na hindi ako magugulangan eh. 

Except now. She's telling me to go, trust her. Through coded language she's telling me that something's going on. 

Adelle picked up the phone on her desk, and called Sandra. "Sandra, etong si Karlo pag-VTR-in mo nga, tapos bigyan mo ng portfolio ng headshots at set card, tapos pauwiin mo na." Tumingin siya sa akin, derecho, sinisiguro niyang nakikinig ako at alam kong ang instructions niya ay hindi lang para kay Sandra. "Pagkatapos, kapag may dumating o tumawag na naghahanap ng 'bago', sabihin mo puro Class B lang dumating. Make sure na sa yellow binder mo lagay portfolio nitong si Karlo, ha. Yellow binder."

Nakaclassified ang mga model portfolios ni Adelle para madali niyang mahalungkat kung sino ang kailangan para sa projects. May red binder siya para sa mga Class A models--eto yung mga tipong pang fashion show ng underwear, mga half-breeds, pang-magazine at TV. May yellow binder para sa mga Class B--mga models para sa events, sa catalogue, pang print ad sa diyaryo. 

At ang Blue Binder para sa mga talents who can offer something extra. Eto yung binder na dala niya kapag may client meeting siya na hindi nadedeclare sa accounting books. Kapag kailangan ni Mayor ng kasama magshopping sa Singapore, sa Blue Binder siya pipili ng babae/lalake na ipaparada niya sa ibang bansa at tutuhugin sa hotel room. Kapag kailangan ni VP for Marketing ng magpapanggap na pinsan niya sa sinehan bago niya ubusin ang semilya sa condo, sa Blue Binder siya titingin. 

Pinapagretire na ba ako ni Adelle? Bakit niya ako nilipat mula sa Blue Binder papunta sa yellow? Anong meron? 

II. The Trouble with Adelle

Late si Adelle ng isang oras. Pero tuloy-tuloy naman siya magtext. 

Pagkatapos kong gawin ang bagong headshots at set card ko, umalis na ako ng agency at nagpalipas ng oras sa mall. Tumawag siya after a few hours. Dinner daw kami sa Gayuma ni Maria, isang tagong restaurant sa may QC. 

Pagdating ni Adelle, napansin kong nakapagpalit na siya ng damit mula sa suot niya kanina sa office ng agency niya. Jeans at shirt lang siya ngayon, naka-ponytail ang buhok. 

"Umorder ka na," bati niya sa akin. Nakukuha na niyang ngumiti uli. "Sorry, late. May siniguro lang kami ng driver ko." 

Inorder ko yung pinakamahal. Pero hindi rin naman kamahalan kasi mga prices sa Gayuma, kaya hindi nakaka-guilty. Hindi na namin hinintay yung pagkain bago niya sinabi sa akin ang sitwasyon. 

Napromote si Major. Si Major yung sanggang-dikit ni Adelle. Hindi naman exactly padrino o protector, pero may unawaan kasi sila eh. Sa kwento dati ni Adelle, parang high school sweethearts sila o yung tipong magkaklase na laging tinutukso sa isa't isa. Pero magkaibigan lang talaga sila. 

Napromote si Major at nadestino sa ibang lugar. "Mindanao," sabi ni Adelle. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang Mindanao sa Mandaluyong?" 

Isang gabi, tinawagan si Adelle ng isa sa mga Blue Binder boys niya. Ayaw niya sabihin sa akin kung sino--pero later on, a year or so, in fact, malalaman ko rin. Humihingi ng tulong. Ang gago, rumaket mag-isa, tapos nung nagipit, si Adelle ang tinawagan. 

Ang problema kay Adelle, masyado siyang mabait. At masyado siyang kampante. Nakalimutan niyang wala na si Major sa Manila. Hindi rin niya iniisip na alas dos ng madaling araw, sila lang ng driver niya ang susugod sa isang condo sa Pasig para sunduin ang isang tarantadong callboy. 

Pagdating ni Adelle sa address na binigay nung alaga niya, tinawagan niya uli yung number. Ibang boses ang sumagot. Pinapa-akyat siya. Kinakabahan siya, pero may .22 naman siya sa handbag, so iniisip niya kaya niya. "Beretta U22 Neos," sabi niya. 

Pagdating niya sa unit, dalawang lalake ang nagpapasok sa kanya. "Tuloy ka, tuloy ka," sabi nila, para lang siyang bisita. Pinakiramdaman niya ang gagawin niya. 

Nakaupo sa couch ang tarantado niyang alaga. Yung gagong callboy lang naman talaga ang balak nilang gipitin. Ang modus: gagamitin si callboy pang hanap ng customer, ise-set-up ang deal, tapos kakatok yung dalawang pulis para mamiga. 

Sa takot ni gago, nilaglag niya si Adelle. Kaya ang mga tarantadong parak, nasabik. Inisip nila, oo nga naman, bakit tayo magtatiyaga sa barya-barya na kikitain nitong callboy na ito kung pwede naman nating makasabwat yung Big Time Bugaw nila. 

"Big Time Bugaw," sabi ni Adelle. "Yun talaga tinawag nila sa akin. Ako, bugaw? Mukha ba akong bugaw?" 

Kaya ganun naging raket nila. May client na lalapit kay Adelle, bibigyan niya ng bata. Tapos titimbrihan ni Adelle yung mga parak tungkol sa set-up--anong hotel room, may pera o wala. 

"Siempre, hindi ko sila binibigyan ng suki. Yung mga in transit lang, mga napadaan ng Manila at naghahanap ng makakasama sa kama," paliwanag ni Adelle. "Pero ang kukulit. Putangina nila. Panira sila ng negosyo. Putang ina."

Buong gabi sigurong nagmumura si Adelle. "Mga putanginang parak, di dumilehensiya ng maayos. Ilang taon kong pinaghirapan tong clientele ko, putangina." 

Minsan daw naisipan nung mga parak, "Eh kung i-video natin yung mga bakla? Tapos ibenta natin sa kanila yung video?" 100K para sa peace of mind na buburahin ng mga pulis yung sex video, pwedeng installment, pero hindi pwedeng lumagpas ng tatlong buwan. 

"Putangina, nawawalan ako ng kliyente eh. Nababalitaan na nung iba na sumasabit ang mga bata ko. Tangina talaga, pare," sabi ni Adelle. 

Narealize ni Adelle na hindi titigil tong mga gagong parak na to. Kaya lahat ng maliligtas niya mula sa Blue Binder, niligtas niya. She shredded my profile, along with some others na she cared for. Nagtira siya ng 5, mga alaga niya na pasaway na rin naman, mga durugista, mga pumapayag sa client na bareback (walang condom). 

"Si Martin?" sabi ko, remembering the look on Martin's face the last time I saw him.

"Nakursunadahan siya nung isang parak, eh. Mukha daw makakadelihensiya ng malaki," sabi ni Adelle. 

Iniisip niya kung paano ipapaliwanag sa akin at kung paano ako palalayuin. Baka daw kung hindi niya ako papansinin, lumayo ako ng kusa, magsawa. 

"Hindi mo naman kailangan to, eh," sabi ni Adelle. Patapos na kami kumain. "Ikaw pa? Yang talino mong yan, yang galing mo dumiskarte. Wag mo sayangin buhay mo sa kakaganito. Time mo na ring ayusin buhay mo." 

I shrugged. "Bakit hindi pwedeng sabay? Maghanap ng magandang career, tapos tuloy ang kalakal sa gabi?" 

"Tapos makakatalisod ka ng mga tarantadong parak na gagamitin ka sa extortion raket nila. Yan ba gusto mo?"

"Gusto ko ng kotse. Tsaka bagong iPhone. Tsaka sariling negosyo bago ako mag-trenta. Yun ang gusto ko. Hindi ko makukuha yun bilang empleyado." 

"Madami kang mararating ng hindi nangangailangan ng kotse. Ang iPhone kailangang palitan every two years. At balang araw, makakahanap ka ng negosyo na gusto mong gawin hindi dahil sa pera kundi dahil eto ang negosyong gusto mong palaguin. Bata pa ang trenta, hindi mo kailangan magmadali," payo niya. "After this night, I'm deleting you from my phone book. I'm going to change your name sa portfolio, mahirap na. Baka makwento ka ni Martin sa mga parak, hanapin ka nila sa akin."

"Paano ka? Anong plano mo?" 

It was her turn to shrug. "Exit strategy. Kumikita naman ang agency. Kapag naubos na ang mga clients na pwede nilang huthutan, makikita naman siguro nilang nasaid na nila ang balon. Sana lumayas na sila. Kung makulit pa rin sila, ewan ko, madali namang lumipad. Hong Kong siguro. O Korea." 

"Putangina nila," sabi ko. 

"Putangina nila," she agreed. 

III. The Indecent Proposal

I'd like to think I made quite a presentation. I've mastered the plans and policies, and I've delivered with impact. Pati yung mga nakikinig lang mula sa kabilang table dito sa coffeeshop, mukhang interested sa investment portfolio na balak kong gawin for Mr. Yu as part of his insurance plan. Instead of paying a yearly premium, balak ni Mr. Yu to flat out invest half a million pesos, have it grow a passive income, tapos ipasok as his pension upon retirement. 

"I think we should celebrate," sabi ni Mr. Yu. "Maybe we can have some wine. I know a hotel nearby." Under the table, dumikit ang tuhod niya sa tuhod ko. 

Alam na this. 

"I think I gave you the wrong idea, sir," sabi ko sa kanya. Pero nakangiti. Hindi naman ako ganon ka-suplado, tsaka sino ako para mag-inarte sa indecent proposal? I used to get them all the time. Fuck. I used to live on indecent proposals. 

"Ah ganon ba?" he said, trying to save face. "Baka may kilala kang 'pwede'." 

Napangiti ako. Oo naman, siempre. May kilala akong pwede. MADAMI akong kilalang pwede.